Ceres-Negros binokya ang Indonesia
MANILA, Philippines — Kahit hindi nakadalo ang kanilang mga taga-suporta, patuloy pa rin ang pag-ragasa ng Filipino football club Ceres-Negros FC matapos ang 4-0 panalo kontra sa Indonesia Bali United FC sa isinagawang closed-door game ng 2020 AFC Cup sa Rizal Memorial Football Stadium sa Malate, Manila.
Nagpasiya ang organizer ng kumpetisyon na gawing closed-door ang laro dahil sa banta ng COVID-19 kaya maraming mga fans ang dismayado.
Ipinakita naman ng mga Filipino Booters na hindi sila apektado sa naturang senaryo at agad bumirada ng goal tungo sa pagsungkit sa kanilang ikalawang panalo sa Group G.
Unang umiskor si OJ Porteria sa 35th minute ng first half. Pinagpatuloy ni star Striker Bienve Maranon ang magandang opensa sa second half kung saan umiskor siya mula sa penalty sa 54th minute.
Sinundan naman ito ng isa pang perfect header mula sa corner kick sa ika-69th minute para palawakin ang bentahe, 3-0.
Tuluyan nang isinara ng Pinoy team ang pintuan sa mga Indonesians pagkaraang humataw si Robert Lopez Mendy sa ika-73rd minute sa second half.
- Latest