MANILA, Philippines — Muling nagningning ang bandila ng Pilipinas nang magkampeon ang Mighty Sports sa 2020 Dubai International Basketball Championship na ginanap sa Dubai, United Arab Emriates.
Nakumpleto ng Mighty Sports ang matikas na seven-game sweep para masikwat ang kampeonato sa torneo.
Ang Pinoy squad ang kauna-unahang non-Middle Eastern team na nagkampeon sa Dubai International Basketball Championship sa nakalipas na tatlong dekada.
Kaya naman karapat-dapat ang Mighty Sports na tangahaling Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) “Athlete of the Month” sa buwan ng Pebrero.
“Mighty Sports, led by coach Charles Tiu, made all of us proud again in international basketball with their success in Dubai,” ani TOPS president Ed Andaya.
“It is only fitting that we (TOPS) recognize and pay tribute to the team’s contributions to the country’s status as one of the leading basketball nations,” dagdag nito.
Kabilang din sa mga kandidato ang Philippine National Squash Team na nakasikwat ng dalawang ginto, isang pilak at apat na tansong medalya sa 6th Southeast Asian Cup sa Bangkok, Thailand noong Pebrero
Noong Enero, iginawad kay Australian Open doubles junior champion Alex Eala ang TOPS “Athlete of the Month” award.