^

PSN Palaro

Hornets binigo ang Heat sa pagpasok sa playoffs

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Diniskaril ng Charlotte Hornets ang pagbulsa ng Heat sa playoff spot matapos ilista ang 109-98 panalo tampok ang pagbangon nila mula sa 20-point deficit.

Humataw si Devonte’ Graham ng 30 points habang nagdagdag si Caleb Martin ng 19 markers.

Nag-ambag si P.J. Wa­shington ng 17 at may 16 markers si Miles Bridges para sa Charlotte, naipanalo ang lima sa huli nilang pitong road games.

Mula sa 20-40 pagkakabaon sa first quarter ay humataw ang Hornets ng 39 points sa second period para resbakan ang Heat.

Umiskor si Kendrick Nunn ng 24 points para sa Miami, naglaro nang wala si Jimmy Butler (toe injury).

Sa Dallas, nagposte si Goban Marjanovic ng 31 points at 17 rebounds at may 24 markers si Luka Doncic para pamunuan ang Mavericks sa 113-97 pagdaig sa Denver Nuggets.

Binanderahan ni Jamal Murray ang Nuggets mula sa kanyang 25 points kasunod ang 23 markers ni Will Barton.

Sa Philadelphia, kumolekta si Joel Embiid ng 30 points at 14 rebounds sa kanyang pagbabalik mula sa sprained left shoulder para akayin ang 76ers sa 124-106 paggupo sa Detroit Pistons.

Pinangunahan ni Christian Wood ang Pistons mula sa kanyang 32 points.

Sa Atlanta, umiskor si Mitchell Robinson ng lima sa kanyang 16 points sa overtime para tulungan ang New York Knicks na makalusot sa Hawks, 136-131.

CHARLOTTE HORNETS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with