Bagong kontrata sa Japan nakaabang kay Bagunas Chris Co
MANILA , Philippines — Muling masisilayan si dating UAAP MVP Bryan Bagunas sa aksiyon sa Japan Volleyball Premier League dahil panibagong kontrata ang ibibigay sa kanya ng Japanese club team na Oita Miyoshi.
Ito ang isiniwalat ni Bagunas matapos magsilbing import ng Oita Miyoshi sa nakalipas na 2019 season.
“Sinabi sa akin ng team na kuk
unin nila ulit ako so next season nandoon ulit ako sa Japan. Marami akong natutunan sa Japan na gusto ko rin sanang i-share sa Pilipinas lalo na sa national team,” ani Bagunas na ginawaran ng Mr. Volleyball award sa PSA Awards Night.
Masaya rin si Bagunas dahil pinahihintulutan ito ng kanyang club team na bumalik sa Pilipinas sakaling kailanganin nitong maging miyembro ng national team.
Nakapaglaro si Bagunas sa national squad noong 2019 Southeast Asian Games sa Maynila kung saan nasungkit ng mga Pinoy Spikers ang pilak na medalya.
“Thankful ako dahil napakabait ng owner ng team. Sinabi niya na papayagan daw niya ako maglaro basta may league ang national team,” ani Bagunas.
Ilan sa mga lalahukan ng national team ang 2020 Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Abril at ang 2020 AVC Cup sa Nay Pyi Taw, Myanmar sa Agosto.
“Iba talaga ang training sa Japan. Sobrang disiplinado nila, marami ka talagang matututunan lalo na sa techniques sa volleyball,” ani Bagunas.
- Latest