MANILA, Philippines — Inaasahang muling hahataw si Justin Brownlee para sa San Miguel-Alab Pilipinas sa pagharap kontra sa Saigon Heat ngayong gabi sa pagpapatuloy ng 10th Asean Basketball League elimination round sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.
Tangan ang 9-6 win-loss kartada, asam ng Alab Pilipinas ang ika-sampung panalo sa ikalawang engkuwentro nila ng kulelat na Saigon Heat (3-10) sa alas-7:30 ng gabi.
Hindi umabot si Ginebra resident import Brownlee sa laro ng Alab kontra sa Kuala Lumpur Dragons kaya nabigo ang tropa ni head coach Jimmy Alapag sa Malaysian team sa ikalawang pagkakataon (80-92) noong nakaraang Miyerkules.