^

PSN Palaro

SBP inihayag na ang 4-man squad sa FIBA 3x3

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
SBP inihayag na ang 4-man squad sa FIBA 3x3
Kinakausap ni Gilas coach Stefan Stojacic ang mga players na isasabak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA 3x3 sa India.

MANILA, Philippines — Pormal nang pina­nga­lanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang four-man squad na sasabak sa International Basketball Federation (FIBA) 3x3 Olympic Qualifying Tournament (OQT) na idaraos sa Marso 18 hanggang 22 sa Bangalore, India.

Mismong si SBP President Al Panlilio ang nag-a­nunsiyo ng mga manlalaro base sa rekomendasyon ng SBP Selection Committee na binubuo nina Executive  Director Sonny Barrios, coaches Jong Uichico, Pat Aquino, Ronnie Magsanoc at Eric Altamirano.

Pangungunahan nina Joshua Munzon at Alvin Pasaol ang pambansang koponan kasama sina 2019 Southeast Asian Games gold medalists CJ Perez at Mo Tautuaa.

“We ask our countrymen to rally behind our Team in its quest to be part of the Olympiad,” ani Panlilio.

Swak sina Munzon at Pasaol dahil sila ang dalawang manlalarong pasok sa Top 10 sa ranking na isa sa mga requirement ng FIBA.

Si Munzon ang highest-ranked Pinoy 3x3 cager na kasalukuyang No. 107 sa world ranking tangan ang 190,313 ranking points habang nasa ikalawa naman si Pasaol na No. 153 bitbit ang 128,854 points.

Naging armas naman nina Perez at Tautuaa ang gintong medalyang nakuha nito sa SEA Games kasama sina Chris Newsome at Jason Perkins noong nakaraang taon.

Magsisilbi namang reserves sina Karl Dehesa (No. 4 sa Pilipinas at No. 232 sa world ranking) at Santi Santillan (No. 6 at No. 284 sa world ranking).

Hahawakan ni Serbian Stefan Stojacic ang koponan habang si Darko Krsman naman ang conditioning coach.

Mapapalaban ng husto ang Pilipinas sa Olympic qualifiers kung saan makakasagupa nito ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic sa Pool C.

Ang tatlong mangu­ngunang koponan lamang ang papasok sa Tokyo Olympics na idaraos sa Hulyo.

ERIC ALTAMIRANO

RONNIE MAGSANOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with