UAAP Season 82 volleyball tournament tuloy

MANILA, Philippines — Maski ang banta ng novel coronavirus (nCoV) ay hindi makakapigil sa pag­bu­bukas ng UAAP Season 82 volleyball tournament sa Sabado sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“As we speak, all systems go. We are prepared to face this situation but at the moment, as we speak, tuloy tayo,” wika kahapon ni UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag sa press conference ng se­cond semester ng liga sa MOA Arena.

“Rest assured that the UAAP is committed to ensuring the safety of our student-athletes, the coa­ches, and the officials,” dag­dag pa nito.

Ngayong season ay may ginawang pagbabago ang UAAP.

Simula ngayon ay mauuna ang laban sa men’s di­visions kasunod ang wo­men’s class.

Magtutuos sa pagbubu­kas ng torneo sa Sabado ang University of the East at University of the Philippines sa alas-9 ng umaga sa men’s division kasunod ang bakbakan ng kanilang mga women’s team sa alas-11 ng tanghali.

Sa alas-2 ng hapon ay lalabanan naman ng 2019 men’s runner-up Far Eas­tern University ang University of Santo Tomas bago ang paghaharap ng Tigresses at Lady Tamaraws sa alas-4 sa women’s class.

Samantala, sasa­lang na­man sa Linggo ang nag­dedepen­sang Ateneo lady Eagles kontra sa karibal na De La Salle University La­dy Spi­kers.

Sisimulan naman ng Na­tional University Bulldogs ang kanilang title-re­tention bid sa men’s division sa pakikipagtuos sa Adamson Falcons.

Show comments