Lakers lusot sa warriors
SAN FRANCISCO -- Tumutok ang Los Angeles Lakers sa video screen sa loob ng Chase Center sa pagpapalabas ng tribute para kay NBA legend Kobe Bryant.
Ang Golden State Warriors ang pinakahuling tropa sa NBA na naglaro ng home game matapos ang pagpanaw ni Bryant, at ng kanyang 13-anyos na anak na si Gianna at pitong iba pa sa isang helicopter crash noong Enero 26 sa Calabasas.
Ngunit hindi ang emosyon ang nagpahirap sa Lakers bago naitakas ang 125-120 panalo kontra sa Warriors.
“We know probably going into every arena from now to the rest of the season, it’s probably going to be some type of Kobe tribute,” sabi ni Lakers forward Anthony Davis na nagtala ng 27 points at 10 rebounds. “Coach (Frank Vogel) had a great talk with us about how to handle that and being prepared for it. It’s something that we expect every time that we go on the road and try to use that as motivation for us to get the win.”
Nakuha ng Lakers (39-12) ang panalo sa tulong din ni LeBron James na kumolekta ng 22 points, 11 assists at 8 rebounds.
Ang kanyang three-pointer sa huling 16.9 segundo ng laro ang nagbigay sa Los Angeles ng 124-116 bentahe laban sa Golden State, nakahugot kay Andrew Wiggins ng 24 points para sa kanyang debut.
Sa Orlando, kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 19 points, 18 rebounds at 9 assists para pamunuan ang NBA-best na Bucks sa 112-95 paggupo sa Magic.
Ito ang ika-13 panalo ng Milwaukee sa huli nilang 14 games para sa NBA best record na 45-7.
Sa Phoenix, nagpasabog si Jamal Murray ng 36 points at kumamada ng 23 markers si center Nikola Jokic para akayin ang Denver Nuggets sa 117-108 pagpapatumba sa Suns.
- Latest