Knights minasaker ang Tamaraws

Mindoro Tamaraws
Released

MANILA, Philippines — Ipinakita ng San Juan Knights ang kahandaan sa playoffs matapos tamba­kan ang Mindoro Tamaraws, 114-68, sa elimination round ng 2019-2020 Maharlika Pilipinas Bas­ketball League (MPBL)-Chooks-to-Go  Lakan Cup sa Baha­yang Pag-Asa Gym sa Va­lenzuela City.

Nagtala ng 16 points, 6 rebounds at 6 assists si John Wilson at nagdagdag ng 13 markers si Larry Rod­riguez para pangunahan ang Datu Cup champion sa pagtatala ng 26-4 kartada sa North division.

Nag-ambag ng 12 points at 9 rebounds si Jo­seph Hubalde at may tig-11 markers sina Andrew Es­trella at Jhonard Clarito para muling pumasok ang Knights sa 8-team quarter­finals kontra sa No. 8 Pasay Voyagers.

Tangan ng San Juan ang homecourt advantage.

Nanatili namang buhay ang pag-asa ng Rajah Cup champion Batangas City Athletics sa kanilang 77-66 panalo sa Valenzuela Classics para makisosyo sa fourth spot kasama ang Zamboanga Family Sardines sa parehong 18-11 marka sa South.

Sa iba pang laro, sinorpresa naman ng Rizal Xentro Mall Golden Coolers ang Quezon City Capitals, 72-62, para umangat sa 6-22 record sa North.

Show comments