Knights minasaker ang Tamaraws
MANILA, Philippines — Ipinakita ng San Juan Knights ang kahandaan sa playoffs matapos tambakan ang Mindoro Tamaraws, 114-68, sa elimination round ng 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-to-Go Lakan Cup sa Bahayang Pag-Asa Gym sa Valenzuela City.
Nagtala ng 16 points, 6 rebounds at 6 assists si John Wilson at nagdagdag ng 13 markers si Larry Rodriguez para pangunahan ang Datu Cup champion sa pagtatala ng 26-4 kartada sa North division.
Nag-ambag ng 12 points at 9 rebounds si Joseph Hubalde at may tig-11 markers sina Andrew Estrella at Jhonard Clarito para muling pumasok ang Knights sa 8-team quarterfinals kontra sa No. 8 Pasay Voyagers.
Tangan ng San Juan ang homecourt advantage.
Nanatili namang buhay ang pag-asa ng Rajah Cup champion Batangas City Athletics sa kanilang 77-66 panalo sa Valenzuela Classics para makisosyo sa fourth spot kasama ang Zamboanga Family Sardines sa parehong 18-11 marka sa South.
Sa iba pang laro, sinorpresa naman ng Rizal Xentro Mall Golden Coolers ang Quezon City Capitals, 72-62, para umangat sa 6-22 record sa North.
- Latest