PBA maglalaro sa Rizal Memorial Coliseum?

May interes din ang PBA na magdaos ng mga la­ro sa Multi-Purpose Arena (MPA) sa Philsports Com­plex sa Pasig City at sa Ninoy Aquino Stadium (NAS) sa Vito Cruz, Manila.
PBA Images

MANILA, Philippines — Noong Huwebes ay binisita ng mga tauhan ng Philippine Basketball Association ang mga ipina­ayos na venues ng Philip­pine Sports Commission sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Namangha sina Renato Chavez, Evihore Lopez at Neil Tibajares sa kanilang mga nakitang venues.

Ang maalamat na Rizal Memorial Coliseum ay isa nang air-conditioned venue bukod pa sa bagong retrac­table seating.

Humigit-kumulang sa 8,000 fans ang maaaring ma­nood sa RMC, dating ta­hanan ng National Colle­giate Athletic Association.

May interes din ang PBA na magdaos ng mga la­ro sa Multi-Purpose Arena (MPA) sa Philsports Com­plex sa Pasig City at sa Ninoy Aquino Stadium (NAS) sa Vito Cruz, Manila.

“We are very positive about this. It would be nice to host them again in our arena,” wika ni PSC chairman William ‘Butch’ Ra­mirez, idinagdag na pa­hahalagahan pa rin ang paggamit ng national team sa mga government sports facility.

Sinabi pa ni PSC Depu­ty Executive Director Atty. Guillermo Iroy na interesa­do rin ang UAAP na ga­win ang kanilang mga events sa RMSC.

Show comments