PBA maglalaro sa Rizal Memorial Coliseum?
MANILA, Philippines — Noong Huwebes ay binisita ng mga tauhan ng Philippine Basketball Association ang mga ipinaayos na venues ng Philippine Sports Commission sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
Namangha sina Renato Chavez, Evihore Lopez at Neil Tibajares sa kanilang mga nakitang venues.
Ang maalamat na Rizal Memorial Coliseum ay isa nang air-conditioned venue bukod pa sa bagong retractable seating.
Humigit-kumulang sa 8,000 fans ang maaaring manood sa RMC, dating tahanan ng National Collegiate Athletic Association.
May interes din ang PBA na magdaos ng mga laro sa Multi-Purpose Arena (MPA) sa Philsports Complex sa Pasig City at sa Ninoy Aquino Stadium (NAS) sa Vito Cruz, Manila.
“We are very positive about this. It would be nice to host them again in our arena,” wika ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, idinagdag na pahahalagahan pa rin ang paggamit ng national team sa mga government sports facility.
Sinabi pa ni PSC Deputy Executive Director Atty. Guillermo Iroy na interesado rin ang UAAP na gawin ang kanilang mga events sa RMSC.
- Latest