^

PSN Palaro

Lady Altas sinilat ang Chiefs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Altas sinilat ang Chiefs
Blangka ang inabot ng atake ni Princess Bello ng nagdedepensang Arellano Lady Chiefs sa double team defense nina Jhona Rosa at Charina Scott ng Perpetual Lady Altas sa NCAA women’s volley.

MANILA, Philippines — Ginulantang ng University of Perpetual Help System Dalta ang nagdedepensang Arellano University sa pamamagitan makapigil-hiningang 22-25, 22-25, 25-22, 25-12, 16-14 come-from-behind win kahapon sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Muling umariba si Jhona Rosal na humataw ng 15 puntos tampok ang 13 attacks kasama ang 16 digs para dalhin ang Lady Altas sa ikalimang panalo sa anim na laro.

Dahil sa panalo, magkasosyo na sa No. 2 spot ang Perpetual Help at Arellano na nahulog sa parehong 5-1 marka.

Naiwan sa unahan ng standings ang walang la­rong College of Saint Benilde na nananatiling malinis ang baraha taglay ang 5-0.

Naasahan din ng Lady Altas si team captain Jenny Gaviola na umiskor ng 12 puntos kabilang ang impresibong pitong blocks habang nagdagdag naman si Dana Persa ng 10 hits mula sa walong attacks at dalawang aces.

Maganda ang hugot ni Perpetual Help mentor Macky Carino kay Hannah Suico na nag-ambag ng walong puntos.

“Tulad ng sinasabi ko sa kanila sa previous games namin na kahit down kami ng first two sets, sa third set kahit ano pwede mangyari, maraming pwede matutunan. Every set, every point dapat i-celebrate namin,” ani Carino.

Lamang na lamang ang Arellano sa attacks matapos magbaon ng 58 kills kumpara sa 40 lamang ng Perpetual Help.

Subalit bumira ang Lady Altas sa blocking department tangan ang 12-5 edge at sa service area (10-5).  

ARELLANO UNIVERSITY

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with