Risers giniba ang Warriors para sa fourth spot

Bataan Risers
Bataan Risers FB Page

MANILA, Philippines — Nalimitahan ng Bataan Risers ang General Santos Warriors sa dalawang puntos sa huling 2:50 minuto para itakas ang 74-66 pa­nalo sa Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Bataan People’s Center sa Balanga, Bataan.

Matapos maitabla ng Warriors ang iskor sa 64-64, rumagasa sina Reed Jun­­tilla, John Bryron Villa­rias, Alfred Ryan Batino at Archie Iñigo ng 10-2 atake para itaas ang Bataan sa 19-9 kartada at manatiling hawak ang ikaapat na puwesto sa Northern Division.

Tumapos si Batino na may 20 points, habang nag­tala ng 13 points, 13 boards at 6 assists si Villa­rias para iwanan ang Bula­can Kuyas at Pampanga Giant Lanterns na kapwa tangan ang 18-9 marka sa Northern Division.

Nagdagdag din ng 12 points si Iñigo at may 10 mar­kers si Martin Gozum pa­­­ra ihulog ang Warriors sa pang-apat na puwesto sa 16-10 card sa Southern Division.

Pinangunahan ni Christopher Masaglang ang GenSan sa kanyang 16 points, 4 rebounds at 3 assists at may 10 markers at 4 boards si Jujo Bautista.

Sa iba pang laro, nag­wa­gi ang Pasay Voyagers laban sa Biñan City, 68-57, at inilampaso naman ng Zam­­boanga Family Sardines ang Muntinlupa Ca­gers, 75-63, upang makamit ang pang-17 panalo sa 28 laro at manatili sa ika-li­mang puwesto sa South division.

Show comments