^

PSN Palaro

Lady Blazers pinasuko ang Lady Generals Benilde no. 1 pa rin

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Blazers pinasuko ang Lady Generals Benilde no. 1 pa rin
Hindi matinag sa una­han ng standings ang Lady Blazers tangan ang malinis na 4-0 marka.
Photo courtesy of Joey Villar

MANILA, Philippines — Inilampaso ng College of Saint Benilde ang Emilio Aguinaldo College, 25-20, 25-21, 25-17, para masungkit ang ikaapat na sunod na panalo at mapagtibay ang hawak sa No. 1 spot kahapon sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Hindi matinag sa una­han ng standings ang Lady Blazers tangan ang malinis na 4-0 marka.

Nangibabaw si veteran spiker Klarisa Abriam matapos bumanat ng 16 puntos – lahat galing sa attacks habang nagdagdag naman si Michelle Gamit ng 11 hits para sa Benilde.

Gumamit ng balanseng atake ang Benilde dahil nabigyan ng pagkakataon na makalaro ang lahat ng manlalaro nito.

Nagsumite sina Marites Pablo at Gayle Pascual ng tigpitong puntos habang may lima si Chelsea Umali, apat si Jade Gentapa.

“Gusto kasi ni coach (Jerry Yee) na magamit lahat para na rin sa conditioning ng mga bata. Mas­yadong dikit dikit yung mga games kaya kailangang ma-utilize sila lahat para hindi pagod,” ani Benilde assistant coach Charmaine Geronimo.

Sa unang laro, na­panatili ng nagdedepensang Arellano University ang malinis na record makaraang pataubin nito ang Jose Rizal University sa b­endisyon ng 25-19, 25-16, 25-17 demolisyon.

Naglatag si two-time Finals MVP Regine Arocha ng all-around game nang kumana ito ng 12 puntos at 15 excellent digs para m­a­n­duhan ang Lady Chiefs sa 3-0 baraha at masolo ang No. 2 spot.

Sa men’s division, pinataob ng Arellano ang JRU, 25-19, 25-23, 22-25, 25-16, para sumulong sa 3-0 marka.

NCAA SEASON 95

WOMEN’S VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with