Evan Nelle sa La Salle na
MANILA, Philippines — Pormal nang inihayag ni San Beda University star Evan Nelle ang paglipat nito sa De La Salle University matapos ang ilang linggong pagmumuni-muni.
Ayon kay Nelle, ilang malalapit na kaibigan at mahal sa buhay din ang kinonsulta nito bago maglabas ng pinal na desisyon.
“After giving this matter much though and consulting with those closest to me, I have decided to join the De La Salle University Green Archers,” ani Nelle sa isang statement na inilabas kahapon.
Magugunitang ilang beses na hindi dumating ang 5-foot-11 guard sa ensayo ng Red Lions dahilan upang umusok ang usap-usapang lilipat ito ng paaralan.
Nais ni Nelle na magkaroon ng bagong direksiyon ang kanyang basketball career matapos tulungan ang San Beda na umukit ng kampeonato sa juniors division at makapagbigay ng isang titulo at runner-up sa Red Lions sa seniors class.
“I need to chart a new path forward in my basketball journey. I have been with San Beda for the better part of the past decade, and my time with the Red Cubs and the Red Lions has significantly contributed to my development as an athlete,” ani Nelle.
Maganda ang rekord ni Nelle sa nakalipas na NCAA Season 95.
Pumangalawa ito sa MVP race sa likod ng kanyang kartropang si Calvin Oftana.
Nagtala si Nelle ng averages na 10.2 points, 4.5 rebounds, 6.7 assists at 1.6 steals.
Subalit bigo ang Red Lions na makumpleto ang four-peat matapos matalo sa Colegio de San Juan de Letran sa finals.
- Latest