^

PSN Palaro

Pinoy paddlers tutok sa Olympics qualifiers

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang tagumpay sa nakaraang 30th Southeast Asian Games, nakatutok na ngayon ang Philippine Rowing Association (PRA) sa hangarin na makakuha ng Olympic berth sa Tokyo, Japan.

Sinabi ng bagong halal na presidente na si Patrick Gregorio na asam nila na makakuha ng tatlong slots sa darating na 32nd Olympic Games ngayong Hulyo 24 hanggang sa Agosto 9.

Tiwala si Gregorio sa tatlong paddlers bunga ng kanilang nakamit na gintong medalya sa 2019 SEA Games na ginanap dito sa Pilipinas.

“Kung papalarin, baka makakuha pa tayo ng isa pang qualifier para sa Tokyo Olympics,” sabi ni Gregorio, ang dating chairman ng PBA Board of Governors at ngayon ay secretary-general ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila.

Tinukoy ni Gregorio sina Joanie Delgaco, Melcah Jen Caballero at Chris Nievarez na mga gold medalists sa SEAG.

Ang tatlong paddlers ay sasabak sa Asia and Oceania Qualification Tournament ngayong Abril 27-29 sa Chungju, South Korea.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES

PHILIPPINE ROWING ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with