Ceres lusot sa Shan, swak sa 2nd round ng ACL

MANILA, Philippines — Kumonekta si National team player OJ Porteria ng mahalagang goal at isang assist para tulungan ang PFL champion Ceres-Negros na talunin ang Shan United ng Myanmar, 3-2, papasok sa second round ng AFC Champions League preliminary round kamakalawa sa Rizal Memorial Stadium.

Inihanda ni Porteria si Bienve Marañon para sa ikalawang goal bago sinipa ang kanyang marginal strike sa 79th minute para itakda ang pagsagupa ng Busmen sa Port FC ng Thailand sa second round sa Bangkok.

Napabayaan ng depensa ng Ceres si Senegalese striker Robert Lopez Mendy na nagbigay sa Shan United ng 1-0 abante sa fifth minute mula sa cutback ni Pika Minegishi.

“We were pressuring them and we were unlucky not to get more goals,” wika ni Porteria. “We only had four or five training sessions so we were really tired but we just stuck in there and got the win. We’re not fit that’s why we wanted to keep the ball. We just showed the heart to survive the game.”

Bago ang halftime ay naipasok naman ng Busmen ang ikalawa nilang goal mula kay Marañon.

Ang iskor ni Porteria mula sa pasa ni Mike Ott ang nagbigay sa Ceres ng two-goal cushion bago naidikit ni Maximin Djawa ang Shan United sa 2-3 agwat sa 87th minute.

Ngunit napanatili ng Busmen ang kanyang pagiging agresibo para sa tsansang makapasok sa mabigat na group stage ng prestihiyosong club competition sa Asya.

Show comments