^

PSN Palaro

Mighty Sports tiwala sa kakayahan ni Blatche

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiwala ang Mighty Sports na malampasan ang kanilang third place fi­nished sa nakaraang taon sa muling pagsabak sa 2020 Dubai International Basketball tournament simula Enero 23 hanggang Pebrero 1 sa Shabab Al Ahli  Club center sa Dubai, UAE.

Pangungunahan ng Filipino naturalized-player na si Andray Blatche ang kampanya ng Filipino team kasama sina 7’2 Kai Sotto at  dating SMB import Renaldo Balkman at McKenzei Moore.

Sinisiguro nina Mighty Sports owner Alex Wong­chuking at head coach Charles Tiu na nasa tamang kundisyon ang da­ting Gilas Pilipinas center na si Blatche bago sila tumungo sa Dubai sa Enero 21.

“We know how good a player he (Blatche) is, but he needs to be in excellent form because we will be again facing formidable teams from Lebanon and Middle East,” pahayag ni Tiu, ang head coach ng koponan na nag-kampeon sa Jones Cup noong  nakalipas na taon.

Binubuo ang koponan ng mga beterano at mga batang manlalaro kabilang na ang 17-anyos na si Sotto.

Darating si Sotto sa Dubai, UAE mula sa US para mas lalong pagtibayin ang chemistry ng buong koponan sa Enero 21.

Kasama rin sa koponan sina Thirdy Ravena ng Ateneo at Juan Gomez De Liaño ng UP.

ANDRAY BLATCHE

CHARLES TIU

RENALDO BALKMAN

SMB

UAE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with