^

PSN Palaro

San Juan pinatibay ang kapit sa unahan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nagtala si John Wilson ng panibagong scoring record upang iangat ang San Juan Knights kontra sa Pasig-Sta. Lucia Realtors, 109-99, sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Umiskor si Wilson ng 24 puntos para maging unang manlalaro ng home-and-away league na umabot sa 1,000-point plum.

Ang panibagong ta­gumpay ni Wilson ay ka­rag­dagan sa kanyang NCAA MVP honor noong 2009 habang naglalaro sa Jose Rizal University Heavy Bombers . Siya rin ang may-ari ng MPBL record na 44 puntos sa isang laro.

Bukod sa malaking puntos, umani pa ng limang rebounds, apat na assists ang 32-anyos na si Wilson para makopo ang ika-22 panalo ng Datu Cup titlist Knights at manatili sa solo liderato sa Northern Division.

Sa ibang laro, nilampaso ng Bacoor Strikers ang Muntinlupa Cagers, 98-67, para manatili sa ikalawang puwesto sa 21-5 slate sa likuran ng solo leader Davao Occidental Tigers (20-3) sa Southern Division.

Nagwagi rin ang Bacolod Master Sardines kontra sa Basilan Steel, 96-89, upang masungkit ang ika-siyam panalo sa 25 na laro.

BACOOR STRIKERS

CAGERS

MPBL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with