MANILA, Philippines — May malaking pagkakaiba si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mga kasalukuyang boksingero na pangunahing dahilan para mahalin ang Pinoy champion ng boxing fans.
Nangunguna na ang disiplina na isa sa mga hinahangaan ng mga tao.
Magandang halimbawa rin ito upang maging pangunahing idolo ng mga nagsisimula sa boksing.
“He’s amazing at that. The guy can have a hundred people in and out of his office all day but if he’s training he goes to a gym a few miles away. He also lives a very clean lifestyle,” ani MP Promotions chief Sean Gibbons.
Kitang-kita ito sa tuwing lalaban si Pacquiao.
Nakalinya ang bawat gawain nito sa buong araw.
“When he’s about 60 days out from a fight, he’ll work out at 1pm at the Elorde Gym, the Senate starts at 3pm. He bounces over, goes home, relaxes, plays chess, the next morning does his run and everything, then back to the gym,” kuwento ni Gibbons.
Nakasentro rin ang atensiyon nito sa kanyang pamilya na isa sa kanyang pinagkukunan ng malalim na inspirasyon.
Kasama pa ang kanyang pagiging relihiyoso na hindi nito binibitawan – sa panahon man ng pagkatalo o panalo.
Hindi gaya ni American fighter Floyd Mayweather Jr. na masayang ipinagmamalaki ang kanyang kayamanan at ng ibang boksingero tuwang-tuwa sa panlalait ng kanilang kalaban, mas konserbatibo si Pacquiao.
Mas masaya itong makitang nagtatagumpay ang iba partikular na ang mga baguhang boksingerong nagsisimula pa lamang sa industriya.