^

PSN Palaro

Foton bagong bihis sa PSL Grand Prix

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagong mukha ang ipaparada ng Foton Tornadoes sa 2020 season ng Philippine Superliga na magsisimula sa susunod na buwan.

Gagamitin ng Tornadoes ang bagong pa­ngalang Chery Tiggo Crossovers simula sa PSL Grand Prix.

Maliban sa sariwang pangalan, pinangalanan na rin ng Crossovers ang bagong recruits sa pa­ngunguna nina national mainstay Mylene Paat at Jannine Navarro na mula sa Cignal HD Spikers.

Pasok din si playmaker Jasmine Nabor na galing naman sa PLDT Home Fibr gayundin sina Rachel Austero, Joy Dacoron at Ria Duremdes para higit na palakasin ang Crossovers.

Makakasama ng mga baguhan sina Jaja Santiago, Dindin Santiago-Manabat, Shaya Adorador, Laizah Bendong, M­arian Buitre, Justine Dorog, Elaine Kasilag, EJ Laure, Eya Laure, Arriane Layug, Maika Ortiz, Jen Reyes at Gyzelle Sy.

Naglalaro pa sina Santiago at Manabat sa Japan ngunit malaki ang posibilidad na masilayan ito sa aksiyon dahil tatakbo hanggang Hunyo ang PSL Grand Prix.

Normal nang natatapos ang Japanese Volleyball League ng Mayo.

Maglalaro rin muna si Eya sa UAAP habang nagpapagaling naman sa ACL injury si Ortiz.

Tiwala si Crossovers mentor Aaron Velez sa kampanya ng kanyang bataan sa kabila ng nakaambang problema sa chemistry dahil galing sa magkakaibang koponan ang ilang manlalaro.

“May chance to see both the Santiago’s and the Laure’s to play at the same time. But I would like to see them with their respective commitments. It’s always a work in progress with regards to jelling but the team will be fiercer, stronger,” ani Velez.

CHERY TIGGO

FOTON

LAIZAH BENDONG

SHAYA ADORADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with