^

PSN Palaro

Gin Kings-Bolts titular showdown aabot sa game 7

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gin Kings-Bolts titular showdown aabot sa game 7
Nag-pose ang koponan ng Ginebra San Miguel at Meralco sa harapan ng pag­lalabanang PBA Governor’s Cup trophy kasama sina PBA Commissioner Willie Marcial, Gin King coach Tim Cone at Bolts mentor Norman Black . Magsisimula ang best-of-seven championship series sa Enero 7 sa Smart Araneta Coliseum.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Hindi lamang si Meralco import Allen Durham ang dapat bantayan ng Barangay Ginebra sa kanilang best-of-seven championship series ng PBA Governor’s Cup.

Sinabi ni Gin Kings ve­teran point guard LA Tenorio na lahat ng players ng Bolts ay may maibibigay na kontribusyon para talunin sila sa kanilang pangatlong paghaharap para sa korona ng season-ending conference.

“X-factor sa kabila? Iyong players behind the import, Allen. We just have to be ready sa lahat ng mga players. It can be a surprise,” wika ng 35-anyos na si Tenorio. “This is a championship, we cannot take anything for granted.”

Nakatakda ang Game One sa Martes sa Smart Araneta Coliseum.

Dalawang beses pinatumba ng Ginebra ang Meralco sa kanilang dalawang sunod na pagtutuos para sa korona ng PBA Governor’s Cup.

Nangyari ito noong 2016 at 2017 kung saan nagtagisan ng husay sina resident import Justin Brownlee at Durham, ang two-time PBA Best Import awardee.

Saglit na naawat ang bakbakan ng dalawang koponan nang maghari ang Magnolia Hotshots sa likod ni reinforcement Romeo Travis, ang kababata at high school teammate ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James, noong 2018.

Kumpiyansa si two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone na mu­ling susuportahan ng mga fans ang mga Gin Kings sa pagsagupa sa Bolts.

“If there’s an edge we have, it’s always the Ginebra crowd. They push us to greater heights everytime,” sabi ng 62-anyos na si Cone na pumasok sa PBA noong 1989 kung saan iginiya naman ni Norman Black ang San Miguel sa PBA Grand Slam.

Sa kanilang ‘trilogy’ ay hangad ng 62-anyos na si Black na maibigay sa Meralco ang kauna-una­han nitong PBA championship.

Bukod kay Durham, aasahan din ni Black sina Chris Newsome, Cliff Hod­ge, Baser Amer at mga baguhang sina Raymod Almazan, Allein Maliksi at rookie Bong Quinto.

Puntirya ni Cone ang kanyang pang-22 korona bilang head coach  habang ang ika-12 naman ang target ni Black.

ALLEN DURHAM

LA TENORIO

PBA

PBA GRAND SLAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with