^

PSN Palaro

Pacquiao world champion sa apat na magkakaibang dekada

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao world champion sa apat na magkakaibang dekada
Manny Pacquiao

MANILA, Philippines — Sa pagpasok ng ba­gong dekada, muling gumawa ng kasaysayan si eight-division world champion Manny Pacquiao.

Si Pacquiao ang bukod-tanging boksingero sa mundo na naging world champion sa apat na dekada.

Sa edad na 19-anyos, gumawa ng ingay si Pacquiao noong dekada 90 nang angkinin nito ang kanyang kauna-unahang world title noong 1998 nang itarak ang eighth-round knockout win kay Chatchai Sasakul ng Thailand para sa World Boxing Council flyweight title.

Matagumpay na nai­pagpatuloy ni Pacquiao ang kanyang matikas na kamada sa pagpasok ng taong 2000.

Noong 2001, pinabag­sak si Lehlohonolo Ledwaba ng South Africa para makuha naman ang International Boxing Federation super bantamweight belt.

Naging maningning pa ang boxing career ni Pacquiao sa naturang dekada matapos magwagi ng iba’t ibang titulo sa iba’t ibang dibisyon.

Mas lalo pang kumislap ang pangalan ni Pacquiao sa 2010s.

Nasungkit ni Pacquiao ang WBC junior middleweight title, World Boxing Organization welterweight belt at World Boxing Association welterweight crown.

Kaya naman agad na gumawa ng bagong rekord si Pacquiao sa pagpatak ng 2020 dahil nananatili nitong hawak ang WBA welterweight belt na na­panalunan nito noong nakaraang taon.

Nakatakdang depensahan ni Pacquiao ang kanyang titulo sa taong ito.

Pakay ni Pacquiao na magbalik sa ibabaw ng ring sa Abril.

Wala pang pinal na desisyon kung sino ang sunod na makakalaban nito ngunit ilang pangalan na ang nakalutang gaya nina Mikey Garcia, Danny Garcia at Shawn Porter.

Hindi rin malayo ang posibilidad na muling magharap sina Pacquiao at undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. sa isang rematch dahil mismong ang Pinoy champion na ang nagkumpirma na may usapang nagaganap para rito.

Naghihintay lamang ang kampo ni Pacquiao sa magiging desisyon ni Mayweather kung kakasa ito sa rematch o mananati­ling retirado.  

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with