MANILA, Philippines — Ililipat sa Marso ang pagtataguyod ng 10th Asean Para Games na orihinal na nakatakda sa Enero 18 hanggang 25.
Ito ang inihayag ni Philippine Paralympic Committee (PPC) President Michael Barredo matapos isiwalat ng Philippine Sports Commission (PSC) na problemang pinansiyal ang pangunahing dahilan para mabago ang petsa.
Karaniwan nang ginaganap ang Asean Para Games ilang linggo matapos ang Southeast Asian Games na pormal nang nagtapos noong Disyembre 11.
“While we have made every effort to prepare the Games in the past one and a half years, matters well beyond our control are compelling us to reschedule the event,” ani Barredo.
Dagdag ni Barredo na magandang pagkakataon ito para mabigyan ng sapat na panahon ang mga organizers na makahanap ng pondo para sa hosting ng bansa ng Asean Para Games.
“We are looking to reset it for March next year to be able to have enough time for financial and logistical matters to be settled,” ani Barredo.
Ipinadala na ng PPC ang desisyon sa Asean Para Sports Federation.
Hiniling din ni Barredo na ipaabot ng PSC sa mga Asean countries ang ginawang desisyon ng PPC.