MANILA, Philippines — Mula sa dikitang first half ay nakahulagpos ang TNT Katropa para angkinin ang 1-0 bentahe ng kanilang semifinals series ng Meralco.
Kumamada ng 30 points ang Tropang Texters sa third quarter patungo sa 103-94 pagpapaluhod sa Bolts sa Game One ng kanilang best-of-five semis showdown para sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
“One-zero pa lang, marami pang games sa series,” sabi ni guard Jayson Castro, umiskor ng 17 points para sa TNT Katropa at may 38 markers si import KJ McDaniels.
Samantala, hindi naitago ni coach Tim Cone ang kanyang pagkadismaya sa 90-124 kabiguan ng Barangay Ginebra laban sa NorthPort sa Game One ng kanilang semifinals duel.
“It was a very ugly performance, it’s embarrassing, they wanted it more than we did and one of the worst first games I’ve been involved with,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion coach.
Muling magtutuos ang dalawang koponan ngayong alas-7 ng gabi sa Game Two sa Big Dome.
Samantala, inaprubahan ng PBA ang pagdadala ng Magnolia kay Aldrech Ramos sa Columbian kapalit ni Jackson Corpuz.