SUBIC , Philippines — Isinara ng Team Philippines ang kampanya sa shooting competition sa pamamagitan ng pagbulsa sa isang gold medal sa
Southeast Asian Games kahapon dito sa Ilanin Forest.
Nagpaputok ang tatluhan nina Eric Ang, Carlos Carag at Alexander Topacio ng 338 points para angkinin ang gintong medalya sa men’s trap team
event.
Tinalo nina Ang, Carag at Topacio sina Bernard Yeoh, Chee Ong at Foo Chen (330) ng Malaysia at sina Savate Sresthaporn, Yodchai Phachonyut at
Kornthawat Tadthongkam ng Thailand (321) na nakuntento sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.
Nauna nang nagpaputok ng dalawang gintong medalya si Marly Martir sa kanyang pagrereyna sa women’s individual at team events ng precision
pistol.
Tinapos ng mga national sharpshooters ang kompetisyon na may kabuuang tatlong ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya para sa ikalawang
puwesto.