Pormalidad na lng sa team philippines

Hari ng 30th SEA Games

MANILA, Philippines — Ito na ang pinakamaraming gintong medalyang nakamit ng Pilipinas sa Southeast Asian Games.

Umabot sa 148 gold medals ang inangkin ng mga Pinoy athletes sa 30th edition ng regional meet bukod pa ang nahakot na 116 silvers at 118 bronzes para muling hirangin bilang overall champion sa ikalawang pagkakataon.

Malaking pagbangon ito ng Pilipinas matapos pumuwesto sa No. 9 noong 2017 SEA Games sa naharbat na 30-92-96 gold-silver-bronze medals sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Noong 2005 Manila SEA Games ay kumolekta ang mga national athletes ng kabuuang 113 ginto, 84 pilak at 94 tansong medalya para sa overall crown.

Ang 158 gold medals ng Vietnam sa kanilang pamamahala noong 2003 ang pinakamarami sa kasaysayan ng SEA Games.

Sa pagtatapos ng bo­xing competitions kamakalawa ay sumuntok ng limang gintong medalya sina light flyweight Carlo Paalam, flyweight Rogen Ladon,

lightweight Charly Suarez, light welterweight James Palicte, middleweight Eumir Marcial, women’s light flyweight Josie Gabuco at featherweight Nesthy

Petecio.

Sa athletics, mata­gum­pay na naidepensa ni Fil-American sprinter Eric Cray ang kanyang korona sa men’s 400-meter hurdles, habang naghari si Aries

Toledo sa decathlon.

Nakuntento sa silver medal si Mark Harry Diones nang lumundag ng 16.42-meter sa men’s triple jump habang nagdagdag ng mga bronze medal sina

Joida Gagnao (women’s 5,000m run) at Fil-Am Robyn Lauren Brown (women’s 400m hurdles).

Nagdagdag naman ng dalawang gold medals sina Adrian Rodolfo, Erwin Guggenheim at Annie Ramirez sa jiu-jitsu competitions.

Sa kabuuan ay limang ginto ang itinumba ng mga Pinoy jiu-jitsu artists kasama ang naunang tatlo nina 2018 world champion Margarita “Meggie” Ochoa

(women’s 45kg), Carlo Angelo Peña (men’s 56kg) at Dean Michael (men’s 85kg).

Pumutok ng isang ginto ang Philippine men’s shoo­ting team nina Eric Ang, Carlos Carag at Alexander Topacio habang tatlo ang naihataw ng mga Pinoy

sa soft tennis.

Nagtumba naman ng tig-isang ginto sina Gina I­niong at Jean Claude Saclag sa kickboxing event.

Ibinulsa naman ng Gilas Pilipinas women’s team ang ginto sa 5-on-5 basketball event nang talunin ang Thailand.

Sa men’s volleyball, na­kuntento sa pilak na medalya ang Pinoy spi­kers makaraang yumuko sa Indonesia,

Samantala, napasakamay ng Vietnam ang ikalawang posisyon nang kunin ang 92 ginto, 85 pilak at 103 tansong medalya sa itaas ng Thailand

(91-97-122), Indonesia (71-80-108), Malaysia (53-57-71) at Singapore (53-46-66)

Ang Vietnam ang susunod na host ng SEA Games sa 2021 sa Hanoi sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

Show comments