^

PSN Palaro

Adams top pick ng Dyip

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Adams top pick ng Dyip
Ang No. 1 pick ng Columbian Dyip na si Fil-Am Roosevelt Adams kasama sina PBA Commissioner Willie Marcial at mga opisyal ng Columbian.

MANILA, Philippines — Itinanghal na top pick overall si Filipino-American sniper Roosevelt Adams na napunta sa Columbian Dyip sa 2019 PBA Annual

Regular Draft kahapon sa Robinson’s Manila sa Malate, Manila.

Nagpamalas ng husay si Adams sa PBA Draft Combine kung saan itinanghal itong MVP. Na­ging bahagi rin si Adams ng Mighty Sports na nagkampeon sa

2019 William Jones Cup.

Nagtala ang 6-foot-5 na si Adams ng 33 puntos para pamunuan ang Team SMC sa 87-79 panalo sa Team PLDT sa Draft Combine.

Makakasama ni Adams sa Columbian si 2018 top overall pick CJ Perez Rawshawn McCarthy para lubos na palakasin ang Dyip.

Pumangalawa si Maurice Shaw na napunta sa Blackwater kasunod sina Mike Ayonayon (NLEX), Barkley Ebona (Alaska), Adrian Wong (Rain or Shine), Clint Doliguez (Rain or Shine), Prince Rivero (Rain or Shine), Sean Manganti (NorthPort), Aris Dionisio (Magnolia) at Arvin Tolentino (Barangay Ginebra).

Sa Gilas Draft, na­nguna si dating Ateneo de Manila University star Isaac Go na kinuha rin ng Columbian Dyip.

Maganda ang rekord ni Go sa UAAP matapos tulungan ang Blue Eagles na makopo ang three-peat.

Nakuha ng 6-foot-8 big man ang 2019 D-League Most Valuable Player award kung saan mayroon itong averages na 9.3 points, 5.1 rebounds, 1.1 assists, at 0.8 blocks.

Nasa ikalawa si Rey Suerte na kinuha ng Blackwater kasunod si Matt N­ieto na napunta sa NLEX.

Ikaapat si San Sebastian star Allyn Bulanadi na napunta sa Alaska at ikalima si Mike Nieto na na­hablot ng RoS.

CJ PEREZ RAWSHAWN

PBA

ROOSEVELT ADAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with