^

PSN Palaro

Pinoy jins 4 na ginto ang itinumba

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinomina ng Team Phi­lippines ang unang araw ng taekwondo competition matapos humakot ng apat na gintong medalya at tatlong pilak kahapon sa pagpapatuloy ng 30th Southeast Asian Games sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Umiskor si Rodolfo Reyes Jr. ng 8.349 para angkinin ang ginto sa male recognized poomsae indi­vidual event. Puma-ngalawa si Sengmueang Pattarapong ng Thailand sa 8.199 at bronze medalists naman sina Shina Sun ng Myanmar at Anak Grocer Augustine ng Malaysia sa parehong 7.849.

“Sobrang thankful talaga ako kay God. Ito na kasi ang bunga sa ilang buwan na­ming paghihirap, nahiwalay kami sa aming pamilya dahil nag-training sa abroad. Tapos ang mother ko na-stroke two years ago at palagi akong wala, matagal kaming hindi nagkikita,” sabi ng 24-anyos na si Reyes na taga-Dasmariñas, Cavite.

Ang panalo ni Reyes ay sinundan agad ni  Jocel Lyn Ninobla makaraang maungusan si Srisahakit Ornawee ng Thailand upang itakas ang ginto sa wo­men’s poomsae re­cognized individual gold sa iskor na 8.433 habang 8.432 naman kay Ornawee para sa silver medal.  Nakuha ni Le Tran Kim Uyen ang bronze medal sa 8.149.

Nasungkit ng Pinoy jins ang ikatlong ginto mula sa men’s recognized poomsae team event nina Reyes Jr, Dustin Jacob Mella at Raphael Enrico Mella sa kanilang 8.483 puntos. Nakuha ng Vietnam ang silver sa 8.416 at bronze naman sa Malaysia sa 7.983.

Bigay todo rin si Jeordan Dominguez upang magwagi sa male freestyle individual event sa kabuuang iskor na 7.433.

Bukod sa host team, nakakuha rin ang Thailand ng dalawang ginto mula sa women’s recognized team event at ang ikalawa ay sa freestyle mixed team habang ang Vietnam ay nag-uwi rin ng ginto mula sa mixed team event.

RODOLFO REYES JR

TEAM PHI­LIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with