Philippine Volcanoes gagamitin ang homecourt advantage
CLARK, Philippines — Gagamitin ng Philippine Volcanoes at ng Lady Volcanoes ang kanilang homecourt advantage para mapalakas ang tsansa sa pagkuha sa gold medal sa pagsisimula ng rugby 7s competition ng 30th Southeast Asian Games ngayon dito sa Clark Parade Grounds.
Hangad ng Volcanoes na mapigilan ang Malaysia na muling maghari sa biennial event matapos noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur.
Kasama ng Pilipinas at Malaysia sa men’s division ang Singapore, Thailand, Indonesia, Cambodia at Laos.
Inangkin ng Volcanoes ang gintong medalya noong 2005 Manila SEA Games kung saan isa pa lamang demonstration sport ang rugby 7s.
Pinitas ng Volcanoes ang gold medal noong 2015 SEA Games sa Singapore matapos imasaker ang mga Malaysians, 24-7, sa finals.
- Latest