Ilagan handa nang tumusok sa London tilt
MANILA, Philippines — Handang handa na si Lourence Ilagan sa pagsabak sa 2019 William Hill World Darts Championship na magsisimula sa Biyernes sa Alexandra Palace sa London, England.
Makakaharap ng No. 1 darter sa bansa at world No. 31 si Cristo Reyes ng Spain sa unang round ng kumpetisyon na matatapos hanggang sa Enero 1.
Si Ilagan na tinaguriang “The Gunner” ay pumalit kay legendary Freddie Deen ay tiwala sa kanyang kakayahan para pataubin ang 32-anyos na si Reyes na tinatawag na “The Spartan.” Ito na ang ika-apat na pagkakataon na kumatawan si Ilagan sa bansang Pilipinas sa world championship.
Kung magwawagi si Ilagan, susunod na makakalaban nito si world No.13 Adrian Lewis ng host country sa 32-player second round ng prestihiyosong torneo na inoorganisa ng Professional Darts Corporation (PDC).
“I’ll do my best to win and bring more honors to our country. It’s a big challenge, but I am ready. The top darters in the world will be all there. Puro magaga-ling. It’s really a big honor to be able to go there (in London) and compete with the Philippine flag on my name,” sabi ng 41-anyos na tubong Cainta, Rizal.
Bukod kay Ilagan, kasali rin sa kumpetisyon ang kababayang si Noel Malicdem matapos tumapos sa 1-2 finished sa Asian Tour Order of Merit sa nakaraang taon.
Sa kabuuang 64 qualifiers, 32 players nito ay mula sa Pro Tour Order of Merit at ang huling 32 players ay mula sa iba’t ibang international qualifying tournaments sa buong mundo na maglalaro sa knockout first round.
- Latest