^

PSN Palaro

Pinay Spikers bigo sa Vietnam

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakipagsabayan ang Pilipinas sa 2017 silver medallist Vietnam ngunit kapos pa rin ito para anihin ang 25-21, 23-25,19-25, 25-20, 8-15 kabiguan kagabi sa 2019 Southeast Asian Games women’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bagsak ang Pinay spi-kers sa 0-1 rekord kung saan kailangan nilang manalo sa kanilang mga nalalabing laro upang manatiling buhay ang pag-asa sa podium finish.

Daraan ito sa matin-ding pagsubok dahil makakaharap nito ang 11-time champion Thailand.

Matapos ang matin-ding pukpukan sa unang apat na sets, nagawang makipagsabayan ng Pinay squad sa deciding frame sa likod ng matikas na laro nina Alyssa Valdez, Ces Molina at Majoy Baron para tumabla sa 6-6.

Subalit nagpasabog ang Vietnam ng 7-1 run para maitarak ang 13-7 kalamangan na siyang naging daan para makuha ang panalo.

Mainit na inumpisahan ng Thailand ang pagdepensa sa titulo makaraang ilampaso ang Indonesia sa bendisyon ng 25-13, 25-15, 25-9 demolisyon.

Sa men’s division, target ng Pilipinas na masungkit ang ikalawang sunod na panalo upang mapalakas ang tsansang makapasok sa crossover semifinals.

Titipanin ng Pinoy spi-kers ang Vietnam sa alas-6 ngayong gabi.

Galing ang Pilipinas sa 29-27, 25-17, 25-17 panalo sa Cambodia sa opening day noong Lunes para sumalo sa liderato sa Group B hawak ang 1-0 marka.

Bumida sa naturang laro si five-time UAAP MVP Marck Jesus Espejo na bumanat ng 21 puntos.

 

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES

CES MOLINA

MAJOY BARON

PHILSPORTS ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with