Lakers ika-10 biktima ang Wizards

Padakdak si LeBron James sa aksyong ito.

LOS ANGELES -- Maski hindi na ginamit sina Anthony Davis at LeBron James sa fourth quarter ay naiposte pa rin ng Lakers ang kanilang ika-10 sunod na panalo.

Nagtala si Davis ng 26 points at 13 rebounds at nagdagdag si James ng 23 points at 11 assists para sa 125-103 paggupo ng Los Angeles sa Washington Wizards.

Nag-ambag si Quinn Cook ng 17 points at humakot si JaVale McGee ng 15 points at 11 rebounds para sa Lakers.

Pinamunuan ni Bradley Beal ang Wizards mula sa kanyang 18 points at 9 assists.

Sa Cleveland, umiskor si Giannis Antetokounmpo ng 11 sa kanyang 33 points sa fourth quarter para tulungan ang Milwaukee Bucks sa 119-110 paggupo sa Cavaliers.

Ito ang ika-10 sunod na pananalasa ng Milwaukee.

Nag-ambag si George Hill ng 18 points at may 12 markers si Khris Middleton para sa Bucks.

Sa Orlando, nagpasabog si Norman Powell ng career-best 33 points para sa 90-83 pagdaig ng nagdedepensang Toronto Raptors kontra sa Magic.

Ito ang pang-anim na sunod na arangkada ng Toronto.

Nagdagdag si Fred VanVleet ng 22 points para sa Raptors, nakahugot kay Pascal Siakam ng 10 markers mula sa malamyang 4-for-22 fieldgoal shooting.

Show comments