^

PSN Palaro

Catalan patutunayang kaya pang manalo ng ginto

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagama’t sa edad na 40-anyos, malaki pa rin ang tiwala ni Rene Catalan na makasungkit ng gintong medalya mula sa Sambo event ng 30th Southeast Asian Games na magsisimula sa Disyembre 5 sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Hindi iniinda ni Iloilo City-native Catalan ang kanyang talo sa kababayang Filipino na si Joshua Pacio sa nakaraang ONE Championship world title fight noong Nob­yembre 8 at ngayon ay naka-focus siya sa 57-kg Combat Sambo event upang makatulong sa Team Philippines sa SEA Games.

“I learned a good experience. I know that we (Philippine team) are strong. I will use it (experience) for my team,” sabi ni Catalan na dati ring gold medalist sa wushu event ng Asian Games at SEA Games.

Ang Sambo ay isang martial arts combat sports na nagsimula sa Russia, ayon kay Catalan ng Philippine national Sambo team na asam ang mahigit limang ginto sa kumpetisyon.

Mahigit 11 gintong me­dalya ang paglalabanan sa Sambo event at isa si Catalan sa mga paborito dahil sa kanyang magandang record bilang Filipino fighter.

Ang huling gintong medalya na napanalunan ni Catalan sa SEA  Games ay sa Sansou competition ng wushu noong 2005 nang ginanap rin dito sa Pi­lipinas ang biennial  meet.

Ang iba sa Sambo team ay sina featherweight Mark Striegl, Niño Mondejar sa 90 kgs class at Chino Sy sa 80-kgs category.

Sa women’s division naman ay sina Helen Aclopen, Marian Mariano, Jed Andrei Kim, Renzo Casinas at Patrick dos Santos at si mixed martial arts superstar Brandon Vera mismo ang team manager ng koponan.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION GYM

MARK STRIEGL

RENE CATALAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest