POC tiniyak na ‘di maaapektuhan ng bagyong kammuri ang seag hosting

Sina Phisgoc COO Ramon 'Tats' Suzara at POC President Bambol Tolentino
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — May nakahanda ng contingency plan sakali mang papasok sa Pilipinas ang nagbabantang tropical storm Kammuri na posibleng maka-apekto sa mga laro ng 30th Southeast Asian Games na magbubukas na sa Sabado sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na malabong pahabain ang nakatakdang 12-day sports conclave dahil sa logistics concern, ngunit nakahanda na rin ang POC at Phisgoc (Phi­lippine SEA Games Organizing Committee) sa anumang pangyayari.

Ayon sa weather report ng Pagasa (Philippine Athmosperic, Geophysical and Astronomical Services) na inaasahang papasok ang tropical storm sa PAR (Philippine Area of Responsibility) sa Biyernes kaya posibleng magdulot ito ng pag-ulan.

Kung sakali mang  magkaroon ng kaguluhan sa panahon, magtitipon ang mga technical officials pati na mga team mana­gers at chief of missions para pag-usapan ang problema at kung babaguhin ba ang format ng mga laro.

“The games is not going to be extended. But, everything have been set, there is a contingency plan for whatsoever may happen. What will be most affected are the open air events but not much on the indoor games,” sabi ni Tagaytay City Rep. Tolentino na siya rin ang president ng Philippine Cycling.

Samantala, sinabi ni Phisgoc chief operating officer (COO) Ramon Suzara na handa na ang lahat para sa pagdating ng mahigit 4,000 atleta, coaches at mga opisyales mula sa iba’t ibang bansa ngayong araw.

Ayon kay Suzara, ang mga alamat sa Philippine sports na sina bowler Paeng Nepomuceno, Lydia de Vega-Mercado ng athletics, Eugene Torre ng chess, Onyok Velasco ng boxing, Elma Muros-Posadas athletics at swimmer Eric Buhain ang magdadala sa 30th SEA Games flag sa opening ceremonies. 

Show comments