^

PSN Palaro

'Chicken sausage' hindi kikiam ang inalmusal ng SEA Games athletes — hotel

James Relativo - Philstar.com
'Chicken sausage' hindi kikiam ang inalmusal ng SEA Games athletes — hotel
Litrato ng kikiam, na madalas ilako sa kalsada kasama ng fishballs.
Wikimedia Commons/Judgefloro

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng hotel na umasikaso sa mga atleta ng Southeast Asian Games ang mga kumakalat na balita na naghain sila ng pagkaing kalye sa mga atleta habang namamalagi sa kanila.

Matatandaang inireklamo ni Philippine Women's National Football Team head coach Let Dimzon ang "baba ng kaldedad" ng pagkain na ibinigay sa players: "[H]indi enough 'yung rice, kikiam and eggs... walang nutrients eh."

Ito ang inilahad sa isang liham na ipinadala kay Chef de Mission at Philippine Sports Commission chairperson William Ramirez.

"Hindi kami nagse-serve ng Kikiam dahil wala 'yan sa menu namin," sabi ni Edgardo Capulong, presidente at chairman of the board ng Whitewoods Convention & Leisure Hotel, sa Inggles.

Aniya, may mga patunay sila at ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee food audit team na kasama bago at matapos magluto na chicken sausage at hindi kikiam ang ipinakain sa mga manlalaro.

"'Yung ibang Pinoy athletes alam nilang chicken sausage 'yun," dagdag ni Capulong.

Imbis na magtungo sa media, sinabi ng hotel na minabuti nilang humingi ng gabay mula kay Ramirez kung paano kaharapin ang usapin tungkol sa mga "uncalled for behavior" ng Filipino athletes.

Martes nang manggalaiti ang Palasyo nang marinig na kikiam ang ibinigay pang-almusal sa mga athletes.

"Ang alam ko lang kinakain ‘yun pag medyo wala ka nang makain," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo 

Nanindigan din ang Whitewoods na "halal," o maaaring kainin ng mga Muslim, ang mga inihain nilang pagkain.

May kahalo kasing ground pork ang kikiam, na hindi maaaring ikonsumo ng mga bahagi ng paniniwalang Islam.

"'[Y]ung function/dining hall namin cetified 'Halal friendly' at hindi na namin nais pang magkaroon ng problemang muli, lalo na sa mga foreign guests," sabi pa ni Capulong.

Dahil sa problema sa pagkain, bumili raw ng Baliwag Lechon ang koponan nang Pilipinas kahit na hindi nakikipag-ugnayan sa food audit committee, bagay na paglabag daw sa kanilang napagkasunduan.

Una nang sinabi ng National Commission on Muslim Filipinos na sinubukan nilang magbigay tulong sa paghahanda ng pagkain para sa ika-30 SEA Games ngunit tinanggihan daw sila.

"Binalaan ko na sila sa scenario tungkol sa halal food noong inter-agency meeting para sa SEA Games noong Setyembre at nag-offer kami ng assistance," sabi ni NCMF External Affairs Director Jun Alonto Datu Ramos

"Hindi kami pinansin."

Maliban sa problema sa pagkain, kaliwa't kanan ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng SEA Games matapos magkaroon ng mga isyu sa hotel accomodation ng mga banyaga't lokal na mga atleta.

Mainit din sa mata ng publiko ang paggastos ng gobyerno para sa P50 milyong cauldron na gagamitin sa mga seremonyas, na makakapagpatayo na raw ng 50 silid-aralan.

FOOD

KIKIRAM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with