^

PSN Palaro

May mga mangyayari pang trades bago ang Nov. 8 deadline

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang TNT Ka­tropa, Alaska, Magnolia at Blackwater ay inaasahan pang may mga susunod na koponang papasok sa trade bago ang deadline sa Nobyembre 8.

Sinabi ni Elite coach Aris Dimaunahan na hindi lahat ng trade ay maganda ang nagiging resulta.

“Siyempre, every trade may risk, kaya talagang fingers crossed na mag-workout itong mga ginawa namin,” ani Dimaunahan.

Dinala ng Blackwater si No. 2 overall pick Bobby Ray Parks Jr. sa TNT Ka­tropa kapalit nina Don Trollano at Anthony Semerad kasama ang isang first-round draft pick sa 2021.

Ito na ang ikalawang transaksyon ng Elite at Tropang Texters sa season-ending conference matapos ang palitan nina guards Mike DiGregorio at Brian Heruela.

Nauna namang dinala ng Blackwater sina Allein Maliksi at Raymar Jose sa Meralco para makuha sina Nino Canaleta, Mike Tolomia at isang future draft picks.

Sa kasagsagan ng torneo ay ibinigay ng NorthPort si Fil-Tongan big man Moala Tautuaa sa San Miguel kapalit ni Fil-German center Christian Standhardinger.

Nakumbinsi naman ang Aces na bitawan si Fil-Italian guard Chris Banchero sa Hotshots kapalit nina Robbie Herndon at Rodney Brondial.

Kahapon ay nakipag-ensayo na si Banchero para sa Magnolia.

ARIS DIMAUNAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with