FCVBA kampeon

Ipinakita ng mga miyembro ng FCVBA team sa pamumuno nina Ironcon Builders owner Jimi Lim at Rain or Shine co-team owner Terry Que ang kanilang championship trophy sa closing ceremony ng 2019 ASEAN Veterans Basketball Tournament noong Sabado sa Chiang Mai, Thailand.

MANILA, Philippines — Muling napasakamay ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) ang kanilang 65-and-above crown matapos ilusot ang 54-50 come-from-behind win laban sa Hatyai team ng Thailand sa ASEAN Veterans Basketball Tournament sa Chiang Mai, Thailand.

Bumangon ang FCVBA squad mula sa nine-point deficit sa gitna ng fourth quarter sa pamamagitan ng paghuhulog ng 16-3 bomba para talunin ang Hatyai.

Sina dating PBA player Benjie Poblete, guard Andrew Ongteco at seldom-used Antonio Go ang gumabay sa tropa para makumpleto ang four-game sweep.

Ang go-ahead basket ni Poblete kasunod ang mintis na triple ng isang Thai player ang sumelyo sa kanilang panalo.

Show comments