Clippers hiniya ang Hornets

Nagkarambola sina Clippers’ Kawhi Leonard at Hornets’ Terry Rozier sa pag-aaga­wan sa bola.

LOS ANGELES -- Humakot si Kawhi Leonard ng 30 points, 7 rebounds at 6 assists habang nagdagdag si Lou Williams ng 23 markers para igiya ang Clippers sa 111-96 panalo laban sa bisitang Charlotte Hornets.

Umiskor naman si Montrezl Harrell ng walo sa kanyang 19 points sa fourth quarter at nag-ambag si Landry Shamet ng 16 markers para sa ikatlong panalo ng Clippers sa apat na laro.

Matapos ang kanilang season-opening victories kontra sa Lakers at Golden State Warriors ay nakalasap naman ang Clippers ng 122-130 kabiguan sa Phoenix Suns dalawang araw na ang nakakalipas.

Sa Phoenix, humataw si Donovan Mitchell ng 25 points, kasama ang game-winning free throw sa natitirang 0.4 segundo ng laro, para tulungan ang Utah Jazz na lusutan ang Suns, 96-95.

Kinuha ni Mitchell ang bola mula sa backcourt at kaagad sumalaksak kung saan siya na-foul ni Phoenix star Devin Booker.

Naipasok niya ang u­nang free throw at nai­mintis ang ikalawa para sa panalo ng Utah.

Pinamunuan ni Bojan Bogdanovic ang Jazz mula sa kanyang 29 points tampok ang 4-of-8 shooting sa 3-point range at humakot si Rudy Gobert ng 15 points at 18 rebounds.

Sa Sacramento, iniskor ni Jamal Murray ang apat sa kanyang 18 points sa huling 31 segundo habang nagsalpak si Gary Harris ng dalawang free throws para ihatid ang Denver Nuggets sa 101-94 pananaig laban sa Kings.

Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Nuggets, nakahugot kay Harris ng 17 points.

Pinangunahan ni Richaun Holmes ang Kings (0-4) mula sa kanyang 24 points at 12 rebounds.

Show comments