Eala wagi ng silver sa Japan netfest

MANILA, Philippines — Nasiguro ni promi­sing netter Alexandra Eala ang pilak na medalya sa prestihiyosong 2019 World Super Junior Tennis Championships-Osaka Mayor’s Cup na ginanap sa Utsubo Tennis Center sa Osaka, Japan.

Ibinulsa ng 14-anyos na si Eala ang runner-up ho­nors matapos umani ng 2-6, 4-6 desisyon kay top seed Diane Parry ng France sa girls’ singles finals.

Umabante sa finals si Eala matapos maglista ng 6-3, 6-4 panalo laban kay 15th seed Mara Guth ng Germany sa semis habang namayani naman si Parry kay No. 7 Mai Napatt Nirundorn ng Thailand sa hiwalay na semis game, 6-4, 6-3.

Nauna nang iginupo ni Eala sina Erika Matsuda ng Japan sa first round, 7-6 (1), 6-3; Manami Ukita ng Japan sa second round, 6-0, 6-2; Diana Shnaider ng Russia sa third round, 6-1, 6-3  at Punnin Kovapitukted ng Thailand sa quarterfinals, 3-6, 5-2, 2-0 (retired).

Masaya si Eala sa kanyang pagtatapos dahil hindi birong makaabot sa finals ng isang International Tennis Federation (ITF) Grade A tournament tulad nito.

Inaasahang muling aangat si Eala sa world ranking sa oras na ilabas ng ITF ang bagong listahan.

Kasalukuyan itong nasa ika-27 puwesto.

Show comments