^

PSN Palaro

BaliPure pumalag sa Air Force

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabagsak ng BaliPure ang Philippine Air Force, 25-23, 12-25, 27-29, 25-23, 15-11, para makuha ang ikaapat na panalo sa 2019 Premier Volleyball League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pumutok nang husto si Grace Bombita na nagpa­sabog ng 26 points mula sa 19 attacks, 4 aces at 3 blocks kasama pa ang 17 digs para dalhin ang Water Defenders sa 4-10 marka.

Solido ang suporta ni Men­chie Tubiera na nag­ta­­la ng 19 hits at 12 re­cep­tions, habang umiskor si middle blocker Satrianni Espiritu ng 12 markers tampok ang 6 blocks.

Sibak na sa semis ang BaliPure ngunit nag­latag pa rin si­la ng matikas na laro.

Nanganganib namang ma­ma­alam sa kontensyon ang Air Force na lumaga­pak sa 5-7 marka.

Nanguna para sa Lady Jet Spikers si Mary Ann Pantino na may 16 hits.

Sa Collegiate Confe­rence, naisaayos ng Uni­ver­sity of Santo Tomas at Adamson University ang paghaharap sa best-of-three championship series matapos sibakin ang kani-kanilang karibal sa ‘rubber match’ ng semis.

Pinatalsik ng Tigresses ang reigning UAAP champion na Ateneo Lady Eagles, 20-25, 25-20, 25-17, 19-25, 16-14, habang na­naig naman ang Lady Falcons laban sa College of Saint Benilde Lady Blazers sa iskor na  25-18, 14-25, 25-17, 25-15.

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with