^

PSN Palaro

ASEAN veterans crown babawiin ng FCVBA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) na mabawi ang kanilang korona sa 65-years-and-above division sa pagdribol ng 28th ASEAN Veterans Basketball Tournament sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2 sa Chiang Mai, Thailand.

Nagwakas ang dominasyon ng FCVBA sa nasabing annual event matapos maisuko ang mga hawak na 60-and-above at 65-and-above titles na nagtulak kina “godfathers” Terry Que ng Rain or Shine at Jimi Lim ng Ironcon Builders na magdagdag ng mga PBA veterans.

Noong 2018 ay nabigo ang FCVBA na magwagi ng anumang titulo sa tatlong age categories.

Bukod kina Lim at Que, ang iba pang miyembro ng koponan ay sina dating Crispa enforcer Bong dela Cruz, Ching Ka Lee, Antonio Go, Zotico Tan, William Lao, Alfonso Kaw, Andrew Ongteco, Joel Gomez at Roberto Poblete.

Hindi lamang nagpasok ng koponan ang FCVBA sa 65 at 60-and above divisions kundi maging sa 50-and-above.

Nang pamahalaan ang event noong 2016 ay winalis ng FCVBA ang lahat ng apat na age categories tampok ang pagbandera ni Kenneth Duremdes sa 40-and-above squad.

Naglaro naman sina PBA four-time MVP Alvin Patrimonio, Allan Caidic at Jerry Codiñera para sa 50-and above squad para makamit ang korona.

FILIPINO-CHINESE VETERANS BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with