Balipure sinibak Choco Mucho may pag-asa pa

Nakabalik na si middle blocker Maddie Madayag mula sa matagumpay na kampanya sa first leg ng Asean Grand Prix sa Thailand kung saan agad itong nagparamdam matapos kumana ng 11 markers.
File

MANILA, Philippines — Mabilis na pinataob ng Choco Mucho ang BaliPure, 25-16, 25-12, 25-16 para mapalakas ang tsansa nito sa semis sa Premier Volleyball League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakabalik na si middle blocker Maddie Madayag mula sa matagumpay na kampanya sa first leg ng Asean Grand Prix sa Thailand kung saan agad itong nagparamdam matapos kumana ng 11 markers.

Malaking tulong si Madayag para suportahan si opposite hitter Kat Tolentino na nagsumite ng 14 mar-kers at 10 digs upang pamunuan ang Flying Titans na makuha ang ikaapat na panalo sa 10 pagsalang.

Nagdagdag naman si Shannen Palec ng siyam na puntos habang may limang puntos at 17 excellent sets si Mary Grace Masangkay. Nasilayan na rin si Bea de Leon na nakapag-ambag ng dalawang puntos.

Tuluyan nang nama­alam sa kontensiyon ang BaliPure na nahulog sa 2-10 baraha.

Naging pasakit pa sa BaliPure ang 26 errors na nagawa nito – malayo sa 13 errors lamang ng Choco Mucho.

Dinomina ng Flying Titans ang attack line hawak ang 41 hits kumpara sa 20 ng Water Defenders.

Minanduhan ni Bang Pineda ang floor defense makaraang humakot ito ng 29 digs at anim na receptions sa panig ng Choco Mucho.

Show comments