Seag overall title kayang-kaya Romero malaki ang tiwala sa Pinoy athletes
MANILA, Philippines — Walang iba kundi overall championship crown ang kailangang makuha ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games na papalo mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito ang nais ni Deputy House Speaker Mikee Romero nang bumisita ito sa lingguhang PSA Forum sa Amelie Hotel sa Malate, Manila.
“I want no less than the overall championship. It’s a long cycle that’s why we need to make the most out of this hosting. Let’s win the overall title. And if the trend, continues, the next time the country hosts the biennial event would be 10 or 12 years from now,” ani Romero.
Malaki ang tiwala ni Romero sa kakayahan ng mga atleta.
Kung nagawa ito noong 2005, alam ni Romero na kayang-kaya itong maulit ng Pinoy athletes sa taong ito.
Ito ang ikaapat na pagkakataon na magiging punong-abala ang Pilipinas sa SEA Games matapos ang hosting noong 1981, 1991 at 2005.
“We just have to replicate what we did in 2005. Something less will not be at par with what we achieved 14 years ago. We must win the overall crown or we will fall short of 2005. That’s why I am challenging our sports leaders. It’s championship or bust,” ani Romero.
Sigurado na ang Pilipinas sa gold medal sa basketball na ilang dekada nang pinaghaharian ng bansa sa SEA Games.
Bahagi si Romero ng polo at umaasa ito na makapagbibigay ang kanyang mga bataan ng kontribusyon sa SEA Games.
Dalawang ginto ang paglalabanan sa polo kung saan isang ginto at isang pilak ang target ni Romero.
- Latest