France 3rd place sa World Cup; USA pang-pito

MANILA, Philippines — Isang solidong second half ang inilatag ng France para pigilan ang Australia, 67-59, at makuha ang bronze medal sa 2019 FIBA World Cup kahapon sa Wu­kesong Arena sa Beijing, China.

Kumana si Nando De Co­lo ng 19 points, 3 assists, 2 rebounds at 2 steals at nag-ambag si Orlando Ma­gic star Evan Fournier ng 16 markers at 5 boards para manduhan ang France.

Nagbigay din ng ma­gandang kontribusyon sina Charlotte Hornets ace Ni­colas Batum at Andrew Al­bicy na gumawa ng tig-siyam na puntos at Vincent Poirier ng Boston Celtics na nagdagdag ng walo.

Nagkasya sa ikaapat na puwesto ang Australia na nakakuha ng 17 mar­kers mula kay Joe Ingles.

Nagawang makuha ng Australia ang 30-21 ka­lamangan sa pagtatapos ng first half.

Ngunit pumutok nang husto ang France sa se­cond half matapos kumana ng 46 puntos kumpara sa 29 na nagawa ng Aussies.

Tumapos naman sa ikapitong puwesto ang Team USA – ang pinaka­ma­­samang pagtatapos sa na­kalipas na mga dekada.

Winakasan ng Amerika ang kampanya hawak ang 6-2 baraha kabilang ang 84-74 pananaig sa Poland sa huling araw ng classification round.

Sa kabila ng masaklap na kampanya ay uuwi ang American team na naka­taas ang noo.

Show comments