MANILA, Philippines — Sumampa si reigning World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Manny Pacquiao sa ikalawang puwesto sa listahan ng Greatest Boxers of All Time ng BoxRec.
Nagtala ang legendary Filipino boxing champion ng 1,633 puntos hawak ang matikas na 62 panalo, pitong talo at dalawang draw sa kanyang mahigit na dalawang dekadang karera sa mundo ng boksing.
Maningning si Pacquiao dahil ito ang unang boksingero sa mundo na nakasungkit ng titulo sa walong magkakaibang dibisyon – featherweight, junior welterweight, junior middleweight, junior fea-therweight, lightweight, flyweight, junior lightweight at welterweight na kasalukuyang kategorya nito.
Bukod sa WBA super welterweight, ilan pa sa mga major world titles na nahawakan nito ang World Boxing Council (WBC) flyweight, International Bo-xing Federation (IBF) junior featherweight, WBC lightweight, WBC super welterweight at ang World Boxing Organization (WBO) welterweight na tatlong beses nitong nakuha.
Nangunguna sa listahan ang mortal nitong karibal na si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. na may matikas na 50-0 marka.
Pasok din sa Top 10 ang boxing legends na sina Carlos Monzon, Muhammad Ali, Sugar Ray Ro-binson, Bernard Hopkins, Joe Louis, Archie Moore, Oscar De La Hoya at Julio Cesar Chavez.
Puring-puri ni boxing legend Sugar Ray Leonard si Pacquiao partikular na sa nakalipas na panalo nito laban kay Keith Thurman sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
“He (Pacquiao) looked phenomenal (in his last fight),” ani Leonard sa panayam ng TMZ Sports.
Naniniwala rin si Leonard na dapat matuloy ang Pacquiao-Mayweather rematch.