^

PSN Palaro

Donaire ‘di nasisindak

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Donaire �di nasisindak
Nonito Donaire

MANILA, Philippines — Walang pakialam si world champion Nonito Donaire kahit na may home crowd advantage si Japanese Naoya Inoue sa kanilang paghaharap sa finals ng World Boxing Super Series sa Super Arena sa Saitama, Japan sa Nobyembre 7.

Aminado ang reigning World Boxing Association (WBA) super bantamweight champion na si Donaire na lamang si Inoue sa supporters dahil sa Japan gaganapin ang laban.

Ngunit wala aniyang epekto ito sa kanya dahil sa ibabaw ng ring magkakaalaman kung sino ang magwawagi – hindi sa labas ng ring.

“Kahit saan pa ang ve­nue, ang nasa isip ko yung laban. I’m going to fight there, and inside that ring is my hometown nothing else. I’m confident na mananalo ako sa laban,” ani Donaire.

Preparado si Donaire kaya’t mataas ang moral nito bago harapin si Inoue.

“I’m prepared. I’m very confident in the fight. I feel with my power, and my size, especially my experience,” dagdag ni Donaire.

Mataas naman ang res­peto ni Inoue kay Donaire na tinawag pa nitong isang legend sa mundo ng boksing.

At isang malaking karangalan para sa Japanese pug na makaharap si Donaire.

“Donaire is, to me, a legend in the sport of bo­xing, and I am honored to be sharing the ring with him in the final,” ani Inoue.

Puspusan na rin ang preparasyon ni Inoue na handang ibuhos ang lahat para makuha ang panalo.

Nakapasok si Donaire sa championship round matapos payukuin sina Ryan Burnett ng Great Bri­tain sa quarterfinals noong Nobyembre at Stephon Young ng Amerika sa semifinals noong Abril.  

vuukle comment

NONITO DONAIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with