^

PSN Palaro

Muntinlupa dapa sa Cebu

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umarangkada si Patrick Jan Cabahug sa harap ng mga kababayan upang ­iangat ang Cebu City Sharks sa 79-62 pa­nalo kontra sa Muntinlupa Cagers sa  2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup noong Sabado ng gabi sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Umani ang Cebuano-native na si Cabahug ng 26 puntos, pitong rebounds at dalawang assists para masungkit ng Sharks ang kanilang pang-apat na panalo sa siyam na laro at umakyat sa solo 9th spot sa Southern Division.

Sa kanilang talo, ang Muntinlupa ay nanatili sa 14th spot sa 3-7 win-loss kartada sa parehong Southern group.

Pinangunahan ni Cabahug ang 28-9 run ng Sharks sa ikatlong yugto upang umabante sa 62-50 mula sa 34-41 deficit sa first half.

Sa iba pang laro, ini­lampaso ng Pasig Pirates ang Parañaque Patriots, 100-87 para makopo ang pang-anim na panalo sa walong laro.

Nagtala ang Pasig ng panibagong league record sa three-point area matapos umukit ng 21 triples, siyam nito mula kay Jeric Teng at anim mula kay Angel Mendoza habang apat kay Nic Belasco at dalawa mula kay Robbie Manalang.  

2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

CEBU CITY SHARKS

PATRICK JAN CABAHUG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with