^

PSN Palaro

Navotas tambak sa Davao

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas(Pasig Sports Center)

6:30 p.m. Pasig  vs Parañaque

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Davao Occidental Tigers ang Navotas Clutch, 94-74  upang manatili sa solo liderato sa Southern Division ng  2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup noong Miyerkules ng gabi sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Umani ng 14 puntos, limang rebounds, dalawang assists at isang steal si Billy Robles upang masungkit ng Tigers ang pang-pitong panalo at manatili sa solo top spot sa 7-1 win-loss kartada, mahigit isang laro ang agwat mula sa pumapangalawang Bacoor Stri­kers (7-2).

Bukod kay Robles, tumipa rin ng 13 puntos, apat na rebounds at isang steal si Chester Saldua at 11  puntos na may kasamang pitong rebounds para sa kanilang pang-limang sunod panalo.

Ang Navotas naman ay nalaglag sa 2-3 slate.

Samantala, nakopo ng Bulacan Kuyas ang kanilang unang back-to-back panalo matapos ilampaso ang Valenzuela Classics, 97-79  upang uma­ngat sa 5-4 record sa Northern group.

Sa iba pang laro, nagwagi rin ang Zamboanga Sardine kontra sa Soccsk­sargen Marlins, 100-75 para makuha ang pang-limang panalo sa siyam na laro (5-4).

2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL) LAKANDULA CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with